Iginiit ni Cong. Benny Abante na hindi sapat na humingi lang ng tawad ang mga vloggers na nagsabing peke ang extrajudicial killings sa ilalim ng War on Drugs ng nakaraang administrasyon.
Aniya dapat din nilang ihinto na ang pagpapakalat ng pekeng balita at ilahad ang katotohanan.
Ganito rin aniya ang dapat na gawing hakbang ng mga vloggers na nagpapakalat naman ng mga fake news at disinformation patungkol sa West Philippine Sea.
“these apologies are a start, but they are not enough. If these vloggers are truly sincere, they must stop spreading lies and start presenting the truth—not their so-called ‘truth,’ but the real, honest-to God truth,” ani Abante.
Iginiit pa ng mambabatas na ang katotohanan ay hindi subjective bakgus at dapat nakabatay sa ebidensya.
Ang pagtawag pa aniya sa EJK bilang ‘massive hoax’ ay isa ring insulto sa mga biktima at naiwan nilang pamilya.
“You cannot hide behind the phrase ‘my truth’ when talking about human rights violations. Truth is not subjective. It must be based on facts and evidence. Calling the EJKs a ‘massive hoax’ is not just irresponsible—it is an insult to the victims, to the grieving families, and to the institutions––such as the House and the Commission on Human Rights––that investigated these crimes,” dagdag pa niya.
Hirit ng kinatawan, tumulong ang mga vloggers na ito na itama ang mga maling naratibo na kanilang ipinakalat, at kilalanin ang pait at hinagpis ng mga pamilya ng mga biktima.
“We’re not just talking about social media posts. We’re talking about narratives that erase the suffering of victims, distort history, and protect impunity,” aniya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes