Inanunsyo ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na simula Abril 1, 2025, opisyal nang ipapadala sa pamamagitan ng email ang lahat ng opisyal na komunikasyon sa mga bangko.
Ayon sa Memorandum No. 2025-02, ang mga mensahe ay ipapadala sa email address ng bangko na nakatala sa kanilang pinakahuling Bank Information Sheet (BIS).
Ayon sa mga mensaheng ipinadala sa loob ng business hours (8:00 AM – 5:00 PM, Philippine Standard Time) ay ituturing na natanggap sa parehong araw, habang ang mga ipinadala matapos ang oras ng trabaho ay ituturing na natanggap sa susunod na araw ng negosyo.
Inaatasan din ang mga bangko na tiyakin ang tamang pagtanggap ng mga mensahe mula sa PDIC sa pamamagitan pagdaragdag ng @pdic.gov.ph sa kanilang safe sender list, regular na pagsuri sa spam at junk folders upang hindi mapunta roon ang mga email ng PDIC, pagpapanatili ng email servers upang maiwasan ang downtime at tiyaking may sapat na storage at pagsasagawa ng regular na email testing kasama ang PDIC upang matiyak ang maayos na komunikasyon. | ulat ni Melany V. Reyes