Wala pang opisyal na pahayag ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa sinabi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na tinanggal ang kaniyang security detail.
Bagaman sa isang maiksing mensahe sa media, sinabi ng PNP Public Information Office na ito umano ay “fake news,” batay sa impormasyon mula sa Police Security and Protection Group (PSPG).
Nabatid na sa isang Facebook post, sinabi ni Dela Rosa na may mga retiradong pulis at sundalo na boluntaryong nagbibigay ng seguridad sa kanya matapos umanong bawiin ng PNP ang kaniyang security detail.
Sa ngayon, hinihintay natin ang opisyal na pahayag ng PNP PSPG kaugnay dito.
Samantala, alinsunod sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 11067, ipinagbabawal ang pagkuha o paggamit ng bodyguards sa panahon ng eleksyon, maliban na lamang kung may banta sa seguridad at may pahintulot mula sa Comelec. | ulat ni Diane Lear