Nagsanib-puwersa ang Securities and Exchange Commission (SEC) at Department of Trade and Industry (DTI) upang gawing mas mabilis at episyente ang proseso ng pagrerehistro ng negosyo para sa mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs).


Sa ilalim ng memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan mad mapadali ang pagpapalitan ng impormasyon ukol sa corporate data, pangalan ng business entities, at mga trademark sa pamamagitan ng kani-kanilang online systems.
Ayon sa kasunduan, bibigyan ng SEC ang DTI ng access sa mga mahahalagang dokumento gaya ng articles of incorporation, general information sheets, at annual financial statements. Bahagi ito ng pagsisikap na mapahusay ang regulasyon ng DTI sa mga sole proprietorship na negosyo.
Ang mga kahilingan sa datos ay dadaan sa SEC’s Swift Corporate and Other Records Exchange (SCORE) Protocol — isang online system na inilunsad noong Hulyo 2024 na tumutugon sa information requests mula sa mga partner regulatory at enforcement agencies.
Samantala, bukas na sa publiko ang The Museum: SEC Hall of Champions sa ika-16 na palapag ng SEC Headquarters sa Makati City. Tampok sa museo ang makulay na kasaysayan ng Komisyon, kabilang ang mahahalagang tagumpay at kontribusyon nito sa katatagan at pag-unlad ng financial sector ng bansa. | ulat ni Melany Reyes