Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Agriculture (DA) at ang Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin ang pagmomonitor ng mga presyo ng bigas at karneng baboy sa mga pamilihan.
Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng pag-welcome sa balitang nakatakdang bumaba ang presyo ng bigas at baboy ngayong Marso.
Giit ni Gatchalian, dapat tiyakin ng pamahalaan na ang pagbaba ng presyo ay mararamdaman hanggang sa retail level o ng mga ordinaryong pilipino.
Dapat rin aniyang paigtingin ng mga ahensya ng gobyerno ang crack down sa mga unfair market practices at mabilis na aksyunan ang isyu ng hoarding, price manipulation at iba pang pang aabuso na nagpapahirap sa mga konsumer.
Nanawagan rin ang senador sa mga retailer at supplier na gawing resonable ang presyo ng kanilang mga produkto.
Bilang pangmatagalang solusyon, hinikayat rin ni Gatchalian ang pamahalaan na palakasin ang kapasidad ng mga magsasaka, magbababoy at iba pasng sektor ng agrikultura para matiyak na tuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin. | ulat ni Nimfa Asuncion