Magkakasa si Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Senadora Imee Marcos ng isang Senate inquiry sa Huwebes kaugnay ng naging pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Marcos, kailangang mabusisi kung nasunod ang due process sa ginawang pag-aresto kay Duterte.
Kaugnay nito, iimbitahan ng Senate panel ang mga opisyal ng PNP, Office for Transportation Security (OTS)-DOTr, Department of Justice (DOJ), National Security Council (NSC), CAAP, at iba pang resource persons at mga testigo.
Sinabi naman ni Senate President Chiz Escudero na, sang-ayon sa rules ng Senado, maaaring gawin ng kumite ni Senadora Imee ang pagdinig motu proprio o nang kusa kahit walang nakahaing resolusyon.
Umaasa si Escudero na, sa tulong ng gagawing pagdinig, masasagot ang mga katanungan ng taumbayan at mahihilom ang pagkakawatak-watak ng publiko dahil sa isyu. | ulat ni Nimfa Asuncion