Ipinagpapatuloy ng pamahalang Lungsod ng Taguig ang programang nagpapalaganap ng masustansyang pagkain at kaalaman para sa mga kabataang Taguigeño.
Sa apat na barangay ng Taguig, sabay-sabay isinagawa nitong Biyernes, Marso 21, ang Mobile Kitchen at Storytelling Event na may temang “Malusog na Katawan para sa Masiglang Kaisipan.”



Tampok dito ang aklat na ‘Ang Malaking Kahon ng Sorpresa’ ni Genaro Gojo Cruz, na nagturo ng aral tungkol sa pamilya at pagkakaroon ng pasensya.
Mahigit 50 bata sa bawat lugar, kasama ang kanilang mga magulang, ang nakiisa sa mga aktibidad na naglalayong itaguyod ang tamang nutrisyon at pagmamahal sa pagbabasa.


Ipinaliwanag din ng isang nutritionist ang konsepto ng Pinggang Pinoy, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng Go, Grow, at Glow foods sa pang-araw-araw na pagkain.

Kasabay ng masayang storytelling, namahagi ang lungsod ng mainit na sopas, mansanas, at mga librong pampabata.
Ikinatuwa naman ng mga magulang ang nasabing inistiyatiba na makatutulong umano sa kanilang mga anak pagpasok sa ekswela. | ulat ni EJ Lazaro