Pormal na lumagda sa Memorandum of Understanding ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost) ngayong Huwebes, April 3, para sa pagpapalawak ng KADIWA ng Pangulo program.

Layon nitong gawing mas accessible at abot-kaya ang pagkain sa tulong ng mga post office sa buong bansa.
Ayon kay Agriclture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang kasunduan ay patunay ng kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno.
Sa ilalim ng kasunduan, target na makapagtayo ng 67 Kadiwa pop-up stores sa mga post office sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
Nagpasalamat naman si Postmaster General Carlos sa DA patuloy na pagtutulungan ng dalawang ahensya.
Samantala, target naman ng DA na magtayo ng 1,500 na KADIWA stores sa buong bansa pagsapit ng 2028 upang mas maraming Pilipino ang makinabang sa mas murang pagkain at mas maayos na kita para sa mga magsasaka at mangingisda. | ulat ni Diane Lear