Nagtalaga na ng bagong administrator sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, para matiyak ang ligtas payapang at maayos na eleksyon.
Ginawa ito matapos isailalim sa COMELEC control ang nasabing probinsya.
Ayon kay COMELEC George Erwin Garcia si Commissioner Noli Pipo ang napili nilang administrador dahil malawak ang karanasan nito partikular na sa Bangsamoro matapos magsilbi bilang Regional Director ng kumisyon.
Base sa memorandum no. 250550 na pirmado ni Garcia, gagampanan ni Pipo ang oversight function sa Datu Odin Sinsuat sa kasagsagan ng election period.
Si Commissioner Pipo din ang reprisentante ng Comelec En Banc sa munispalidad, kontrolado rin ng kumisyon ang law enforcement agencies sa munisipalidad kabilang ang pulis at militar. | ulat ni Don King Zarate