Nagsimula ngayong Abril 3, 2025, ang “quiet period” ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pitong araw bago ang nakatakdang pulong ng Monetary Board sa Abril 10 upang talakayin ang monetary policy ng bansa.

Sa panahong ito, hindi magbibigay ng anumang pahayag ang BSP tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa patakarang pananalapi hanggang sa opisyal na anunsyo ng desisyon sa Abril 10.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng kanilang patakaran upang mapanatili ang integridad at kredibilidad ng mga desisyon ng Monetary Board.
Ang pulong ay inaasahang tututok sa kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya, inflation, at iba pang mahahalagang salik na maaaring makaapekto sa direksyon ng patakarang pananalapi ng bansa. | ulat ni Melany Reyes