Patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard ang galaw ng chinese research vessel na Song Hang.
Huwebes ng umaga, pasadong 9:30 AM, ito ay nasa 42.6 nautical
Miles ng Bonggao, Tawi-Tawi.
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea, cooperative at wala silang nakitang paglabag sa pagdaan ng nasabing Chinese research vessel.
Tuluy-tuloy lang aniya ito sa paglalayag at wala silang nakitang ibinabang gamit.
Sa radio challenge ng PCG sa Chinese research vessel, sinabi ng mga Tsino na sila ay 25 na Chinese national at pupunta sa Indian Ocean para mangisda.
Inasahang makakalabas ng katubigan ng Pilipinas ang nasabing barko ng China sa kaparehong araw, April 3, 2025. | ulat ni Don King Zarate