Handang harapin ng Commission on Election ang petisyon na kumekwestiyon sa legalidad ng internet voting ngayong Halalan 2025.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ilalaban nila ang internet voting para magkaroon ng interpretasyon kung ang pagpapatupad ba nito ay legal.
Tatalima din ang COMELEC kung maglabas ng temporary restraining order ang Supreme Court para ipatigil ang botohan online.
Meron naman aniyang sobrang mga makina ang COMELEC na magagamit at handang tugunan ang pagpapadala ng mga balota.
Sa 1.2 milyong rehistradong botanteng Pinoy abroad, aabot na ngayon sa mahigit 19,000 ang mga nag enroll sa online voting and counting system para makaboto sa nalalapit na halalan. | ulat ni Don King Zarate