Makakatulong ang pagpapatupad ng internet voting sa mga Pilipino sa Taiwan para makaboto sa gitna ng tensyon sa nasabing bansa.
Ito ay sa harap ng pangamba na maaaring lusubin ng China ang Taiwan, kung saan damay ang mga Pilipinong na nagtatrabaho o nakatira sa naturang bansa.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, makakaboto parin ang mga Pilipino doon, gamit ang kanilang mga gadget, tulad ng cellphone laptop at personal computer.
Hindi na aniyang kailangan pumunta sa voting precinct ang mga botante dahil sa internet voting.
Kung sakaling lumala pa ang sitwasyon, base sa Omnibus Election Code, maaaring ipagpaliban ang halalan sa Taiwan ng hanggang tatlumpung araw, kung may mga pangyayaring makaaapekto sa eleksyon.
Aabot sa mahigit 70,000 ang mga rehistradong botante sa Taiwan. | ulat ni Don King Zarate