Inactivate na ng Sugar Regulatory Administration ang Disaster Response Team para tiyakin ang kaligtasan ng mga kawani ng ahensya kasunod ng muling pagsabog ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa SRA, simula kahapon ay may higit 200 kawani na ang lumikas sa research facility sa La Granja, La Castellana sa Negros Occidental, kung saan isang skeleton crew lamang ang naiwan upang siguruhin ang pasilidad.
Sa ngayon, patuloy pa ring binabantayan ng ahensya ang sitwasyon sa Mt. Kanlaon.
Ayon naman kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, nakahanda ang lahat ng kanilang sasakyan para i-deploy sakaling kailanganin ng mga LGU.
May nakaabang na ring mga relief supplies kung kinakailangan, at may humigit-kumulang P4-M pondo na ring nakalaan para sa iba pang emergency supplies.

Sa oras na lumala din ang sitwasyon ay papayagan din ng SRA na gawing pansamantalang evacuation center ang kanilang tanggapan sa Bacolod. | ulat ni Merry Ann Bastasa