Posibleng maharap sa suspension o pagkansela ng lisensya ang mga shipping line operators na mapapatunayang lumalabag sa anti-overloading policy ng Marcos administration.
Partikular na tinukoy ni Transportation Secretary Vince Dizon ang isang insidente kung saan nahuli ng Philippine Coast Guard ang isang barko nitong nagdaang weekend kung saan nagbenta ito ng sobra sobrang ticket kumpara sa maximum capacity.
Bagamat natuloy ang byahe ng nasabing sasakyang pandagat ay sumasailalim naman na sa imbestigasyon ng pamahalaan ang nasabing insidente na posible umanong may planong mag -overloading kung hindi nasakote ng mga tauhan ng PCG.
Giit ni Dizon – mahigpit nilang ipapatupad ang kautusan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang prayoridad ang kaligtasan at maginhawang pagbyahe ng mga pasahero ngayong holy week.
Umaasa si Dizon na ang nasabing insidente ay magsilbing babala sa mga shipping lines na huwag magbenta ng sobra-sobrang ticket dahil kawawa aniya ang mga pasahero na umaasang makakabyahe sa tamang oras.
Sa ngayon ay wala limitado ang binigay na impormasyon ni Dizon sa nasabing insidente para hindi mapangunahan ang ginagawang imbestigasyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco