Sinuyod ni Transporation Sec. Vince Dizon ang passenger terminal ng North Port para alamin ang sitwasyon ng mga pasahero at mismong lagay ng naturang establisyemento.
Ayon kay Dizon, bagamat maayos naman at bago ang nasabing pasilidad ay may ilang pagbabago siyang ibinahgai sa operator.
Ilan sa mga ito ang paglalagay ng wifi, paglilipat ng ticketing booth, at posibilidad ng pagpapasok ng mas maaga sa mga tao na may ticket na habang nag-aantay ng barkong masasakyan.
Nais din ni Dizon na paramihin ang byahe ng barko na bumabyahe sa nasabing pantalan para mabawasan naman ang mga nagtutungo ng Batangas Port.
Kabilang sa bumisita sa North Port si Philippine Ports Authority GM Jay Santiago at PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, at iba pang opisyal ng transport sector. | ulat ni Lorenz Tanjoco