Nakakolekta na ang Land Transportation Office (LTO) ng mahigit P8.3 bilyon sa unang tatlong buwan ng 2025.
Ito anila ay isang magandang indikasyon na maaabot nito ang revenue target na P34 bilyon para sa buong taon.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang mahigit P8.3 bilyon na nakolekta hanggang March 31 ay resulta ng estratehikong pagpapatupad ng mga patakaran, mabilis na proseso ng mga transaksyon, at masigasig na pagpapatupad ng mga panuntunan sa kaligtasan sa kalsada.
Binigyang-diin ni Asec Mendoza na ang mataas na koleksyon ay makakatulong hindi lamang sa pagpapabuti ng mga serbisyo ng LTO kundi pati na rin sa pagpopondo ng iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno para sa mga Pilipino
Pinasalamatan din niya ang mga empleyado ng LTO sa kanilang sipag at dedikasyon sa trabaho. | ulat ni Diane Lear