Magbibigay ng isang linggong libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga beterano sa darating na April 5-11.
Ayon kay MRT-3 General Manager Michael J. Capati, ito ay bilang pakikiisa ng MRT-3 sa pagdiriwang ng ika-83 Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans’ Week.
Ani Capati, marapat lang na kilalanin ang sakripisyo at kontribusyon ng mga beterano, partikular ang mga lumaban sa ikalawang digmaang pandaigdig .
Libreng makakasakay ang mga beterano at kanilang kasama sa buong oras ng operasyon ng MRT-3, mula 4:30 am hanggang 10:30 pm sa North Avenue Station, at mula 5:05 AM hanggang 11:09 PM sa Taft Avenue Station.
Kailangan lamang magpakita ng mga beterano ng valid Identification Card mula sa Philippine Veterans Affairs Office sa security personnel ng mga istasyon. | ulat ni Diane Lear