Magdedeploy ng mahigit 1,500 tauhan ang Metro Pacific Tollways Corporation sa kahabaan ng NLEX, SCTEX, at NLEX Connector ngayong Semana Santa.
Sa ilalim ng “Biyaheng Arangkada Semana Santa Motorist Assistance Program”, tiniyak ng MPTC ang kanilang kahandaan sa pagdagsa ng motorista simula sa Miyerkules Santo.
Bahagi ng kanilang paghahanda ang pinahusay na Traffic Operations, On Call Emergency Medical Services, Free Towing Service na available sa Class 1 Vehicles.
Mayroon din silang libreng Mechanic Service sa lahat ng gas stations sa kahabaan ng NLEX at SCTEX .
Bukod pa dito ang Electric Vehicle Charging mula sa AC Mobility sa Petron Lakeshore (Northbound) at Shell Mexico (Southbound), Libreng WIFI sa mga piling gas stations , libreng inuming tubig at iba pang serbisyo.
Mananatili ang mga serbisyong ito hanggang Abril 21. | ulat ni Rey Ferrer