Inilunsad ng PAGCOR sa pangunguna ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang mga bagong dialysis machines at CT scan unit para sa Pampanga Provincial Dialysis Center I.

Ito ay bilang bahagi ng adbokasiya ng nation-building, ng PAGCOR kung saan naglaan ito ng mahigit P90 milyon para sa 40 dialysis machines at isang CT scan machine na magagamit kontra chronic kidney disease.

Ayon kay Chairman Tengco, nagpakahalaga ng mga ganitong pasilidad dahil alam nito kung gaano kahirap ang pagharap sa pagda-dialysis.

Pinasalamatan din niya ang mga medical frontliners at iginiit na higit pa sa pagiging gaming regulator, katuwang ang PAGCOR sa pagpapatibay ng mga komunidad at pag-angat ng buhay ng mga Pilipino. | ulat ni EJ Lazaro