Iginiit ni Finance Secretary Ralph Recto na ang ginawa nilang paglilipat ng natutulog na pondo ng mga government-owned and controlled corporation (GOCC) ay alinsunod sa Medium Term Fiscal Framework.
Ayon sa MTFF, kailangang pagsama-samahin at gamitin nang epektibo ang lahat ng pampublikong yaman, upang makamit ang pinakamalaking benepisyo para sa ekonomiya at mamamayang Pilipino.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng isinagawang oral arguments ng Korte Suprema sa legalidad ng paglipat ng sobrang pondo ng PhilHealth patungo sa National Treasury.
Diin ng kalihim, gaya ng ginawa sa panahon ng pandemya sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2.
Anya magsisilbi ito bilang Bayanihan 3—isang hakbang upang mailipat ang lahat ng hindi nagagamit at sobrang pondo para sa mas mabilis na pagbangon ng ekonomiya. | ulat ni Melany Reyes