Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagbabasa at reading comprehension sa kabuuang development at pagiging handa ng mga bata para sa eskwelahan.
Ito ayon sa pangulo, ang dahilan kung bakit itinutulak ng pamahalaan ang pagkakaroon ng Child Development Centers (CDC) sa bawat barangay sa bansa, upang mabigyan ng access ang mga bata sa early learning programs, makapagbasa, makapaglaro habang natuto, at iba pa.
Sabi ng pangulo, tatlong dekada na ang problema ng bansa sa kawalan ng structure care na kailangan sa kritikal na mga taon ng paglaki at pagkatuto ng mga bata.
Hanggang sa kasalukuyan, nasa 3, 800 na barangay pa aniya ang walang structure care, dahil sa kakulangan ng resources.
“Too many children do not have the structured care that they need in their formative years. These challenges have been accumulating for the past 30 years and cannot be solved overnight. But that does not mean we should not begin. It should no longer be the case.” -Pangulong Marcos.
Bagamat hindi aniya matutugunan nang isang iglap ang problemang ito, ang Marcos Administration, unti unti, at hindi titigilan ang paghahanap ng solusyon, upang maipaabot sa mga bata ang nararapat na resources at kaalaman para sa kanilang pagkatuto at development.
“Today we gather with one goal: to create a better and brighter future for our children. Today, our agencies are working hard to make our education system right for our students.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan