Nanawagan ng pagkakaisa at pag-asa si Alyansa para sa Bagong Pilipinas Senatorial Candidate Manny Pacquiao sa pagbubukas ng United Nations Games.
Ibinahagi ni boxing legend sa harap ng global audience ang kanyang naging paglalakbay mula sa kahirapan hanggang sa tagumpay, at binigyang-diin kung paanong ang sports ay naging daan upang siya’y maging inspirasyon ng milyon-milyong tao.
Aniya, isang karangalan para sa kanya na maging bahagi ng pagbubukas ng taunang United Nations Games bilang pagdiriwang ng International Day of Sport for Development and Peace.”
Pinaalalahanan niya ang lahat na ang sports ay higit pa sa kumpetisyon bagkus isa itong universal languange na nagbubuklod sa iba’t ibang kultura at nagdudulot ng kapayapaan.
Ayon sa dating senador, kung mas maraming tao ang masasangkot sa sports, mas mapayapa ang mundo.
Pinuri rin niya ang United Nations sa paggamit ng sports bilang kasangkapan sa kapayapaan, kasabay ng panawagan na ipagpatuloy ang adbokasiya. | ulat ni Melany V. Reyes