Nagsumite ng Petition for Prohibition and Mandamus with Injunctive Reliefs ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Korte Suprema para ipatigil ang online voting sa mga Pilipinong botante sa ibang bansa.
Sa argumento ng grupo, wala pang batas para sa implementasyon ng online voting at automated vote counting.
Tinukoy ng grupo ang umano’y pangamba ng mga OFW sa sistema ng pagboto online.
Respondent sa petisyon sina COMELEC Chairman George Erwin Garcia at DFA Secretary Enrique Manalo. | ulat ni Don King Zarate