Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng pagdinig ang kongreso tungkol sa epekto ng dagdag na taripang ipinataw ng Estados Unidos sa mga produktong mula sa ibang bansa gaya ng Pilipinas.
Partikular na tinukoy ni Gatchalian na dapat magsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Trade para maipaunawa ang isyu sa publiko.
Nais rin ng mambabatas na masuri ang paghahanda ng mga ahensya ng gobyerno dito lalo na sa ekonomiya ng bansa at kabuhayan ng mga Pilipino.
Sa ngayon ay kumpiyansa ang senador na hindi magiging malaki ang epekto sa ating bansa ng 17 % na taripa para sa mga produkto ng Pilipinas na ine-export natin sa US.
Karamihan naman kasi aniya sa mga export products ng Pilipinas sa US ay hindi end-products, kundi mga parts lang na doon na ina-assemble. | ulat ni Nimfa Asuncion