Umapela si House Assistant Minority Leader Arlene Brosas na magkaroon ng masinsinan at independent na imbestigasyon sa inilabas na ulat ng US Department of Justice na tumanggap ang ilan sa FBI agents ng mga prostitute sa Maynila na binayaran mismo ng ating lokal na pulis.
Ang naturang report ay bahagi ng ulat tungkol sa umano’y pang aabuso at exploitation ng mga FBI Personnel sa Southeast Asian Countries.
Ayon kay Brosas, ang papel ng ating kapulisan ay protektahan ang mga kababaihan mula sa trafficking at prostitusyon.
Kaya mahalaga aniya malaman kung sino ang mga sangkot, panagutin ang mga kumunsinti sa iligal na gawain at patawan ng pinakamabigat na parusa ang lokal na pulis at foreign agent na mapapatunayang lumabag sa ating batas.
Umaasa rin ang mambabatas na magsisilbi itong paalala na marami pa ang kailangan gawin para labanan ang lahat ng uri at porma ng violence against women. | ulat ni Kathleen Jean Forbes