Ipinagbabawal na ng ng Metropolitan Manila Devlopment Authority (MMDA) ang vlogging, recording, posting, at iba pang uri ng documentation sa kanilang mga operasyon.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, mahigpit nang ipinatutupad ang kautusang ito para sa lahat ng empleyado ng ahensya at mga pribadong indibidwal.
Aniya, ang mga opisyal na larawan at video ng mga operasyon ay ilalabas lamang ng MMDA Public Information Office sa kanilang Facebook, X, Instagram, at iba pang social media platforms.
Paliwanag ni Artes, ang pagbabawal ay bunsod ng isang insidente sa ginawang clearing operation ng MMDA.
Matatandaang naghain ng cyber libel case si Police Captain Erik Felipe kahapon laban kay MMDA Special Operations Group – Strike Force Head Gabriel Go matapos umano siyang ipahiya sa harap ng kanilang police detachment sa QCPD.
Ang naturang insidente ay nag-viral sa social media matapos i-upload ng kasamang vlogger ni Go na si Dada Koo na kinasuhan din cyber libel. | ulat ni Diane Lear