Hindi natatakot na humarap si NBI Director Melvin Matibag bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.
Ito ay kahit umano posibleng ma-contempt si Matibag dahil sa pag-ungkat nya na imbestigahan ang mga anomalya noong 2019 sea games na nadadawit ang panagalan ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano.
Giit ni Matibag kahit tawagin sya bilang testigo hindi natutuldukan ang mandato ng NBI, kaya tuloy ang imbestigasyon at tuloy din ang pagtayo nya sa impeachment court bilang testigo.
Kahit ano naman aniya ang tanong na ibato kay Matibag sa panahon ng pag-upo nya bilang testigo ay handa syang sagutin ito.
Samantala nilinaw naman ni Matibag na walang “chilling effect” o pag-isa isa sa pagsampa ng kaso sa nga umuupong senator-judges. Mandato umano ng NBI na magsagawa ng fact-finding investigation kapag may ebidensya na silang nakalap. | ulat ni Louisa Erispe