Pumalo na sa halos 40,00 pamilya o mahigit 132,000 indibidwal ang apektado ng masamang panahon dulot ng mga bagyong Luis, Maymay, at Habagat.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) buhat sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Zamboanga Peninsula at Cordillera.
Sa naturang bilang, mahigit 2,000 pamilya o katumbas ng mahigit 6,000 indibidwal ang nananatiili sa 31 evacuation centers sa mga apektadong rehiyon.
Samantala, nananatili naman sa apat ang bilang ng mga napaulat na nasawi habang mayroong isa naman ang napaulat na sugatan dahil sa sama ng panahon.
Nagdulot din ito ng bahagyang pagkapinsala ng nasa 13 kabahayan habang isang bahay naman ang tuluyang nasira.
Aabot naman sa mahigit ₱3.5 milyon ang naipaabot ng pamahalaan bilang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad