Wala pang nakikitang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng nararanasang El Niño sa bansa.
Sa ambush interview sa Pampanga sinabi ni Trade Secretary Cristina Roque na walang pagtaas sa presyo ng basic necessities at prime commodities na nasa listahan ng DTI.
Kabilang na dito ang delata, gatas, tinapay, at iba pa.
Maging sa bottled water o inuming tubig, mayroon aniyang sapat na supply sa mga pamilihan.
Katunayan, ayon sa kalihim, isa mga binisitang planta ng DTI ay mayroong kapasidad na makapag-produce ng higit 60,000 bote ng tubig kada araw.
Sa Pilipinas, mayroong higit 200 planta para dito.
Sinabi ng kalihim na wala pa ring manufacturer na humihirit ng price increase para sa bottled water. | ulat ni Racquel Bayan