Tinitiyak ng Department of Energy (DOE) na nakahanda ang pamahalaan sa mga posibleng epekto ng very strong El Niño sa power grids sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Katunayan, patuloy ang ginagawang simulations ng DOE upang pag-aralan ang pagnipis ng suplay ng kuryente pagpasok ng 2027.
Ayon sa DOE, posibleng imbis na yellow umakyat pa sa red alert status ang grids sa Luzon pero pinag-aaralan na ng DOE na hindi ito magresulta sa brownout lalo sa mga kabahayan.
Ganito rin sa Mindanao Grid na bagamat mababa ang posibilidad na pag-akyat nito sa yellow alert, inaasahan pa rin na magkakaroon ng red alert status sa huling quarter ng 2027 kaya nakaantabay ang pamahalaan na dito.
Para naman sa Visayas Grid na pinaka-apektado sa suplay, inaayos nang magkaroon ng battery storage system at power barge sa unang quarter ng 2027 upang hindi na lumala pa ang pagnipis ng grid.
Ayon sa DOE, whole-of-government approach ang pagtugon sa suplay ng kuryente at ngayon pa lang aktibo na Task Force on Energy Resiliency upang makipag-ugnayan sa Office of the Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa paghahanda sa ‘very strong’ El Niño.