Ipinaalala ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng pananagutan sa batas ng mga taong nangungutya o nanghihiya sa mga may kapansanan.
Kasunod ito ng pagbatikos sa isang viral podcast na umani ng negatibong reaksyon matapos kutyain ang anak ng TV personality na si Kris Aquino.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., hindi lisensya ang kapansanan upang laitin o yurakan ang dignidad ng isang tao.
Sa ilalim ng Republic Act 7277 o Magna Carta for Persons with Disability, na inamyendahan ng RA 9442, protektado ang mga PWDs laban laban sa pampublikong panlalait at paninira.
Gayunman, paglilinaw ni Nartatez na nakadepende sa mga pangyayari at ebidensya kung ang isang pahayag sa internet ay maituturing na paglabag sa batas.
Kaugnay nito inatasan ng PNP Chief ang mga yunit ng Pulisya sa buong bansa na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa karapatan ng mga taong may kapansanan at sa mga proteksyong nakasaad sa batas.
Tiniyak niya na na patas na ipatutupad ng PNP ang batas, habang iginagalang ang kalayaan sa pagpapahayag at tinitiyak na ang mga posibleng paglabag ay haharapin alinsunod sa tamang proseso.