Nananatiling manipis ang suplay ng kuryente sa Visayas Grid.
Ito ang dahilan kaya muling itataas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status ngayong araw.
Batay sa abiso ng NGCP, epektibo ang yellow alert mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM.
Sa kasalukuyan, mayroong 2,545 megawatts ng kuryente ang available capacity habang nasa 2,471 megawatts naman ang peak demand.
Apat na planta ang nananatiling bagsak habang 18 planta naman ang gumagana ngunit nasa derated capacity o kapos sa suplay.
Itinataas ang yellow alert tuwing kapos ang suplay ng kuryente o hindi naaabot ang contingency requirement ng power grid.
