Nagpaabot ng pagbati si Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong sa mga bagong halal na opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasunod ng pagsisimula ng kauna-unahang regular parliamentary government nito noong October 30.
Kabilang sa kaniyang binati sina Abdulraof Macacua, na nahalal bilang kauna-unahang regular Chief Minister, at Atty. Amer Zaakaria A. Rakim, bilang Speaker ng Bangsamoro Parliament.
Ayon kay Adiong, makasaysayan ang pagkakabuo ng 80-member elected Parliament dahil hudyat ito ng paglipat mula sa mahigit pitong taong interim governance sa ilalim ng Bangsamoro Transition Authority tungo sa isang ganap na halal na pamahalaan.
Bilang dating miyembro ng Bangsamoro Parliament, tiniyak ni Adiong ang patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng Kongreso upang maisulong ang kapayapaan, kaunlaran, at hustisya sa rehiyon.
Umaasa rin siyang mapamunuan ang bagong pamahalaan nang may pagpapakumbaba, integridad, at buong pusong pagtupad sa mga adhikain ng mamamayang Bangsamoro.
“Please be assured of my full support and the continued partnership of the national government. We stand ready to work with you—through the IGRB and the Philippine Congress–Bangsamoro Parliament Forum—to advance peace, development, justice, and inclusive progress for every Bangsamoro community. The success of the BARMM is the success of Mindanao and of the Philippines,” saad ni Adiong