Mahigpit na ipatutupad ng Land Transportation Office (LTO) ang “Oplan Isnabero” sa pagbabalik ng mga biyahero sa Metro Manila mula sa mga probinsya matapos ang Undas 2026.
Tututukan ang mga taxi na sobrang maningil, namimili ng pasahero, nangongontrata, at tumatangging magsakay, gayundin ang mga kolorum na sasakyan.
Ayon kay LTO Director of Law Enforcement Service (LES) Director Allan Nobleza, layunin nitong protektahan ang mga pasahero at matiyak ang maayos at patas na serbisyo.
Inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal mamayang gabi hanggang bukas, kasabay ng kanilang pagbabalik-trabaho.
Hinimok ni Nobleza ang publiko na isumbong sa kinauukulang ahensya ang anumang paglabag na kanilang mararanasan.