Nagbabala si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis N. Tolentino laban sa mga prank call sa bagong Hotline 15/30 na maaaring makaabala sa pagtugon sa mga lehitimong reklamo ng publiko.
Ayon kay Tolentino, bukas ang hotline para sa mga manggagawa, employer at iba pang may katanungan tungkol sa paggawa.
Maaaring idulog dito ang mga reklamo sa hindi nabayarang sahod at benepisyo, iligal na pagtanggal sa trabaho at paglabag sa labor standards.
Tiniyak ng kalihim na may mga tauhang sasagot sa hotline 24 oras kada araw, kabilang ang weekends at holidays.
Gayunman, nilinaw ni Tolentino na hindi lahat ng reklamo ay agad mareresolba dahil kailangan pang i-refer ang mga ito sa kaukulang tanggapan ng DOLE.
Samantala, pinag-aaralan din ng DOLE at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang referral system para sa mga manggagawang nangangailangan ng skills training.
Maaaring tumawag sa Hotline 1-5-3-0 anumang oras, saanman sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco