Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng mas matibay na pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno upang maprotektahan ang bansa laban sa cyber threats.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ipinatawag ng DICT ang National Cybersecurity Inter-
Agency Committee (NCIAC) upang talakayin ang mga banta at kahinaan sa digital systems ng pamahalaan.
Inilahad ng National Computer Emergency Response Team ang mga panganib sa government infrastructure at mga hakbang para mapigilan ang cyberattacks.
Ayon kay DICT Secretary Robert Joseph de Claro, pinagtibay ng komite ang resolusyon para sa pagpapatupad ng DICT-NCERT Disruption Playbook, kabilang ang pagtanggal sa mga pekeng government website.
Binigyang-diin ng kalihim na responsibilidad ng lahat ang cybersecurity.
Hinikayat ang publiko na umiwas sa kahina-hinalang links at i-report ang cyber incidents.