Sinabi ng House Prosecution Panel na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay pagsubok kung karapat-dapat pa ba siya sa tiwala ng publiko.
Ayon kay House Trial Spokesperson at Private Prosecutor Benjamin “Jay” Tolosa Jr., dapat suriin ng publiko ang natitirang paratang ukol sa di umano’y hindi maipaliwanag na kayamanan o unexplained wealth batay sa mga tungkuling nakasaad sa Saligang Batas para sa Bise Presidente.
Binigyang-diin ni Tolosa na dapat itanong ng mga Pilipino sa kanilang sarili kung ang mga iniharap na ebidensya ay nagpapatunay ng isang seryosong paglabag sa Konstitusyon o pagtataksil sa tiwala ng bayan.
Ginawa niya ang pahayag habang naghahanda ang Senate Impeachment Court na pakinggan ang depensa laban sa Article II—ang tanging natitirang paratang laban sa kanya.
Naiharap na ng prosecution ang mga pinansyal na rekord at testimonya ng eksperto na nag-aakusa kay VP Sara na hindi niya ganap na inihayag ang kanyang malalaking ari-arian at interes sa pananalapi sa kanyang mga opisyal na deklarasyon (SALN).
Ayon kay Tolosa, na dapat timbangin ng publiko ang mga ebidensya ng prosecution kasama ang mga paliwanag at dokumentong ihaharap ng kampo ng Pangalawang Pangulo.