Office of the Ombudsman
Mas paiigtingin ng Ombudsman ang isinasagawa nitong lifestyle check sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.
Inanunsyo ito ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa kanyang pagdalo sa Town Hall Meeting ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI sa BGC, Taguig, ngayong araw, kasabay ng panunumpa sa tungkulin ng mga bagong talagang commissioner ng BOC at BIR.
Ayon kay Remulla, may mga natatanggap siyang ulat na may mga tauhan ng BIR at BOC na naniningil ng malaking halaga ng buwis sa mga negosyante ngunit hindi nagbibigay ng resibo.
Aniya, anumang transaksyon sa gobyerno ay dapat may resibo kaya kung wala ito ay maituturing na korapsyon.
Giit naman ni Remulla, layunin ng lifestyle check na protektahan ang buwis ng bayan gayundin ang mga negosyanteng naaapektuhan ng mga ilegal na gawain.