Halos 50 pampasaherong jeepney at van ang hinarang at sinita ng Land Transportation Office (LTO) sa Mabuhay Rotonda sa Quezon City habang ginaganap ang 49th ASEAN Summit.
Sa bilang na ito, aabot sa 20 sasakyan ang tiniketan dahil sa ilegal na pamamasada o out-of-line, habang pinayagang makabiyahe ang iba matapos mapatunayang pribadong sasakyan.
Inamin ng ilang jeepney driver na inarkila sila ng mga raliyista upang sumama sa kilos-protesta sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Tiniyak ng LTO na magpapatuloy ang operasyon laban sa mga colorum at overloaded na sasakyan, kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at PNP Highway Patrol Group.