Photo courtesy of PCG
Nagpakalat ng mga barko at iba pang maritime assets ang Philippine Coast Guard o PCG para magsagawa ng security patrol sa Manila Bay at mga karatig na katubigan bilang bahagi ng seguridad para sa ika-49 na Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong.
Sa ulat ng PCG, nagsasagawa rin ang kanilang mga tauhan ng crowd monitoring, K9 screening at inspeksyon ng mga sasakyan sa mga summit venue, hotel na tinutuluyan ng mga delegado at iba pang itinalagang lugar.
Bukod dito, may 416 na tauhan ng PCG na naka-standby para sa agarang pagtugon sa anumang emergency.
Kabilang dito ang mga miyembro ng Civil Disturbance Management, medical teams at Duty Maritime Area Coordinating Center.
Layunin ng mga hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga delegado, kalahok at publiko sa buong panahon ng ASEAN Summit.