DSWD, pinalakas ang 4Ps family development sessions
Pinahusay ng Department of Social Welfare and Development ang Family Development Sessions ng 4Ps upang palakasin ang kakayahan ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi lamang pinansyal na tulong ang kailangan ng mahihirap na pamilya kundi gabay sa responsableng pagiging magulang.
Sinabi ni Gatchalian na nakabatay ang enhanced FDS sa MAPA framework na may tatlong yugto: Pagpupunla, Paglalalim, at Pagsasabuhay.
Layunin nitong maiwasan ang pang-aabuso at pagpapabaya sa mga bata at mapatatag ang mga pamilyang Pilipino.