Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapatibay sa concept note at terms of reference para sa pagtatatag ng ASEAN Maritime Center sa bansa.
Ayon kay AFP Special Spokesperson for the West Philippine Sea, retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bilang “archipelagic” na bansa ang Pilipinas, umaayon ang isiyatibang ito sa Comprehensive Archipelacgic Defense Concept (CADC) ng Defense Department.
Binibigyang-diin nito ang whole-of-nation approach at regional cooperation upang mapangalagaan ang teritoryo ng bansa at maisulong ang isang malaya, bukas, at nakabatay sa batas na hakbang.
Bagama’t magsisilbi ang ASEAN Maritime Center bilang pangunahing sentro ng kaalaman at suporta para sa mas malawak na mga inisyatiba mula sa maritime domain hanggang sa blue economy, nananatiling matatag ang AFP sa mandato nito.
Patuloy umanong makikipag-ugnayan ang militar sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak na ang operasyon nito sa West Philippine Sea ay nakaayon sa national policy, international law, gayundin sa itinatakda ng UNLCOS.