Pinaliwanag ni Senate Committee on Finance chairperson Senadora Grace Poe na hindi nakapagbigay ng justification o formal request ang Office of the Vice President (OVP) para madagdagan ang kanilang panukalang budget sa susunod na taon.
Ito ang dahilan kaya pinanatili ng Senado sa P733 million ang OVP budget kanilang bersyon ng budget bill.
Pareho ito ng inaprubahang alokasyon ng Kamara ng 2205 General Appropriations Bill.
Nilinaw naman ni Poe na hindi pa rin sarado sa posibilidad na mabago ang budget ng OVP pagdating sa Bicam, lalo na kung makakapagsumite sila ng request letter.
Pinahayag rin ni Poe na sagad na ang P733 million at malabo na itong mababaan pa.
Nasa P600 million nakikitang pondo ng kumite para sa social services ng OVP habang ang higit P100 million ay para sa operasyon ng kanilang opisina.
Giit ng mambabatas, sapat na ang pondong ito para makapag-operate ang OVP kaya naman kapag binabaan pa ito ay mahihirapan na sila.| ulat ni Nimfa Asuncion