Ipinangako ni Senior Deputy Speaker Aurelio Dong Gonzales Jr. na maisisilbi ang hustisya sa mga biktima ng serye ng pagpatay sa probinsya ng Pampanga.
Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, tinalakay ang inihaing House Resolution No. 2086, hingil sa mga naganap na pagpatay sa ikatlong Distrito ng Pampanga.
Ayon sa mga ulat, bigo ang regional police na lutasin ang mga kaso ng pagpatay sa nakalipas na dalawang taon at higit pa.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Gonzales ang kanyang panawagan sa mga awtoridad upang pabilisin ang aksyon at makatulong sa mga pamilyang naghahanap ng hustisya.
Anya hindi sila titigil hangga’t hindi napapanagot ang mga salarin. | ulat ni Melany Reyes