Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang pamamahagi ng Pamaskong Handog sa mga residente ng lungsod.
Ngayong araw, dadayuhin ng distribution team ang barangay Kapitolyo, Oranbo, Pinagbuhatan, Nagpayong at San Antonio.
Tulad ng nakagawian, araw-araw na magbabahay-bahay ang distribution team para ihatid ang Pamaskong Handog.
May ibang schedule din ang pamamahagi sa mga nakatira sa condominium units.
Ang bigay na pamaskong regalo ay naglalaman ng noche buena items na nagkakahalaga ng P702.00
Kahapon unang pinagkalooban nito ang mga residente sa barangay Dela Paz, Pinagbuhatan, Nagpayong at Sto Tomas.| ulat ni Rey Ferrer