Bahagyang bumilis ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Nobyembre.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, naitala sa antas na 2.5% ang November headline inflation mula sa 2.3% inflation rate sa bansa noong Oktubre.
Dahil dito, ang average inflation mula Enero hanggang Nobyembre ay nasa antas na 3.2%
Paliwanag ng PSA, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang mas mabilis na pagsipa ng presyo ng food at non alcoholic beverages na nasa 3.4% inflation.
Partikular dito ang presyo ng gulay, kamatis, isda at karne ng baboy.
Nakaambag din ang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.
Pagdating sa NCR, bumilis rin sa 2.2% ang inflation habang nanatili sa 2.6% ang inflation sa mga lugar sa labas ng National Capital Region. | ulat ni Merry Ann Bastasa