Pansamantalang isasara sa mga motorista ang bahagi ng Subic Freeport Expressway(SFEX) Tunnel Area simula bukas ng umaga, December 12.
Ito ay para bigyang daan ang safety repair works sa may 120 meter long ng tunnel.
Sa abiso ng NLEX Corporation, mula alas 7 ng umaga hanggang alas sais ng hapon isasara ang Subic-bound Lane 2 o ang Outermost Lane ng Subic Freeport Expressway.
Muli itong mauulit sa susunod na araw, Disyembre 13 ng parehong oras hanggang matapos sa Disyembre 18 ng hapon.
Ngayon pa lang, humihingi na ng kooperasyon at pang-unawa sa publiko ang pamunuan ng NLEX Corporation.| ulat ni Rey Ferrer