Photo courtesy of Presidential Communications Office
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na magkaroon ng mapayapang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon.
Ito ayon sa Pangulo ay dahil ang pagdaraos ng electoral process sa BARMM ang susi sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Sa ikalawang Joint National Peace and Order Council (NPOC)-Regional Peace and Order Councils (RPOCs) meeting 2024 sa Kampo Crame (December 12), tinalakay ng Pangulo ang ilang usapin kaugnay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Kabilang na dito ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pulong, bingyang diin ng Pangulo ang pangangailangan ng pagtalima sa mga hakbang na hindi na magpapataas pa ng tensyon sa WPS.
Kung matatandaan, sa pinakahuling panayam sa Pangulo, una na nitong sinabi na hindi magde-deploy ng Navy warships ang Pilipinas sa rehiyon, sa kabila ng panibagong insidente ng pangha-harrass ng China.
Bagkus, ipagpapatuloy aniya ng pamahalaan ang pagsusulong ng mapayapang resolusyon sa mga hindi pagkakaunawaan sa rehiyon.
“He also stressed the country’s move to continue its resupply mission and protect its territorial rights.” — PCO. | ulat ni Racquel Bayan