??? ???????, ??????????? ?? ?????? ???????????? ?????? ?? ?????????? ?????????? ?? ????????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinondena ng mga senador ang pagkamatay ng Adamson University engineering student na si John Matthew Salilig, dahil sa hazing.

Binigyang-diin ni Senador Nancy Binay, na ang mga paaralan ay dapat na nagsisilbing safe spaces para sa ating mga kabataan.

Gayunpaman, nakakalungkot aniyang nabibigo ang mga paaralan, administrators at maging law enforcement agencies, na i-monitor ang mga organisasyong nagsasagawa pa rin ng mga hazing o tradisyunal na initiation rites.

Kaugnay nito, nangangamba ang senador sa pagbabalik ng mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) bilang nakilala ito sa ganitong practices noon.

Sinabi naman ni Senador JV Ejercito, na dapat isama sa binubuong panukalang batas tungkol sa mandatory ROTC ang pagtitiyak na walang magaganap na hazing.

Titiyakin aniya ni Ejercito, na hindi magkakaroon ng puwang ang hazing sa ROTC dahil hindi naman ito fraternity kung hindi isang citizen military training.

Habang pinatitiyak naman ni Senate Basic Education Committee Chairperson Sherwin Gatchalian, sa mga ahensya ng gobyerno, sa mga paaralan at mga kapartner sa komunidad, na tiyaking nakapwesto ang mga mekanismong nakasaad sa Anti Hazing Act para maprotektahan ang ating mga kabataan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us